Salamat Nanay

ANG NANAY KO

 

Salamat Nanay…..

  

Sa walang sawa mong pagpunta sa aking paaralan hindi dahil magsasabit ka ng medalya kungdi tinawag ka ng mga madre dahil sa aking mga kalokohan.

 

Sa paghihintay mo sa akin at pag-alaalala noong ako ay tumakas at nakipagparty sa mga taga Don Bosco, La Salle at Ateneo .Hanggang ngayon Nanay, mahilig pa rin akong mag party!

 

Sa malimit mong pagdala sa akin ke Gladioli’s Beauty Parlour at pilit mo akong pinagaganda para lumutang ako ng konti sa mga magagandang kong mga kapatid.  Mas maganda pa rin sila sa akin, pero nadadaan ko na lang sa pose!

  

Sa madalas mong ipagmalaki kay Dra. Fely na ako pinakamatapang mong anak kaya’t laging ako ang nauuna sa araw ng bakunahan. Gusto kong umiyak, kaya lang nasabi mo na na ako ay matapang, kagat dila na lang! Hanggang ngayon mahirap akong paiyakin.

  

Sa pag-oobliga mo sa aking tumao sa tindahan kahit pumapadyak ako, ngayon napakabuti kong manggagawa. Sabi ng Boss ko sana raw ay meron syang sampung katulad ko.

  

Buti di mo ako binigay sa Bumbay kasi matigas ulo ko.

Buti di ka nagsawang ako ay pangaralan.

Buti at nakita mong mayroong pag-asa itong Butongkasoy na ito.

Ang Nanay ko……buti na lang IKAW ang Nanay ko!

Happy Mother’s Day Nanay!

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s